Naantala ang pasok at operasyon sa isa sa mga opisina sa Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura sa Maynila, matapos masunog ang ibabaw ng refrigerator dahil sa umapoy na kandila.
Naganap ang sunog sa Room 205 na opisina ni State Prosecutor Agapito Fajardo sa ikalawang palapag ng DOJ building.
Nataranta ang mga empleyado ng makarinig ng malakas na putok sa loob ng kuwarto na noong mga oras na iyon ay wala pang tao sa loob.
Hinihinalang ang lighter sa ibabaw ng refrigerator ang pumutok at sumiklab dahilan para mag-apoy ang mga scented candles na nasa ibabaw din ng ref.
May nakapatong din na bote na may lamang candy at halaman sa ibabaw ng ref.
May rumesponde na mga bumbero at arson investigators pero naapula na ng mga empleyado ang sunog gamit ang fire extinguishers.
Tiniyak naman ng DOJ na walang nadamay na mahahalagang dokumento sa loob ng opisina ni Fajardo./ Ruel Perez