LPA posibleng maging bagyo, papasok sa PAR ngayong araw

 

Namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) 985 kilometro sa silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon sa bulletin ng PAGASA, malaki ang posibilidad na pumasok sa loob ng Philippine Area of responsibility ngayong araw ang LPA at maging ganap na bagyo.

Posible rin nitong maapektuhan ang Visayas at Mindanao sa mga susunod na araw.

Magiging maulap ang kalangitan na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may kasamang thunderstorms ang mararanasan sa gitna at silangang Kabisayaan at iba pang bahagi ng Mindanao.

Makakaranas naman ng maulap na papawirin at thunderstorms ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa.

Read more...