Dayan kay De Lima: “Magpakatatag ka”

 

“Pakatatag ka!”

Iyan ang mensahe ni Ronnie Dayan sa kanyang dating amo at nakarelasyon na si Senadora Leila De Lima.

Sa press conference sa Mababang Kapulungan, sinabi pa ni Dayan na sana’y labanan ni De Lima ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya.

Inamin ni Dayan na sa pitong taong relasyon nila ni De Lima ay nagsama silang dalawa sa iisang bahay.

Kwento ni Dayan, nag-apply siya kay De Lima bilang driver/bodyguard bago pa man maging kalihim ng Department of Justice ang ngayo’y Senadora.

Hanggang sa dumating sa puntong naging malapit sila sa isa’t isa na humatong sa relasyon.

Matatandaang inamin ni Dayan sa naturang press con na tumanggap siya ng pera mula kay Kerwin Espinosa para kay De Lima, subalit pinabulaanan niya ang mga akusasyon ng mga testigo sa Bilibid probe.

Pero nang magtago siya dahil sa warrant of arrest na inisyu ng Kamara, medyo sumama raw ang kanyang loob kay De Lima dahil hindi raw siya natulungan nito.

Read more...