Naghain ng tatlong panukala si Sen. Risa Hontiveros para bigyan proteksyon ang mga kababaihan kontra sexual harassment and violence.
Tinawag ni Hontiveros na “tres marias bills” ang mga inihain niyang anti-rape act, anti-sexual harassment bill at gender-based electronic violence.
Ayon kay Hontiveros nakakaalarma na ang lumolobong bilang ng mga kaso ng sexual harassment cases sa mga kababaihan maging online.
Binanggit niyang halimbawa ang online tsismis na nabuntis ng isang kongresista si Vice President Leni Robredo.
Gayundin ang online sexual harassment na dinanas ni Anne Nicole de Castro dahil sa pag-protesta kontra pagpapalibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sa inihain niyang Senate Bill 1251 paparusahan na rin ang mga online sexually-charged attacks.
Nais din ng senadora na maitaas sa edad na labing-walo mula sa dating 12-anyos ang maaring magreklamo ng statutory rape.
Sinabi naman ni Dr. Sylvia Claudio ng UP Center for Women’s Studies na base sa kanyang obserbasyon tumaas ang online attacks sa mga kababaihan nito lang nakalipas na mga buwan.