PNP inutusan na dalhin sa Kamara si Ronnie Dayan

Ronnie Dayan wanted
Inquirer file photo

Kailangang maiprisenta ng Philippine National Police o PNP sa Liderato ng Kamara si Ronnie Dayan.

Inihayag ito nina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas matapos maaresto si Dayan kaninang umaga.

Ayon kay Farinas, dapat dalhin ng PNP si Dayan sa Office of the Speaker dahil ito mismo ang pumirma sa nag-isyu ng arrest warrant laban kay Dayan.

Matatandaan na naglabas ng warrant of arrest ang Kamara kontra kay Dayan dahil sa kabiguan nitong magpa-kita sa anumang araw ng imbestigasyon ng House Justice Committee kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons o NBP.

Kailangan din aniyang iharap si Dayan sa reopening ng imbestigasyon ng Kamara sa isyu.

Si Dayan ang ininguso nina nina NBI Deputy Director Rafael Ragos at dating NBI Agent Jovencio Ablen na tumanggap ng P10 Million mula sa ilang grupo sa NBP.

Dinala umano nina Ragos at Ablen ang salapi sa mismong bahay ni dating Justice Secretary at ngayo’y Senador leila De Lima sa Paranaque.

Read more...