Ayon kay Sr. Supt. Leo Francisco, hepe ng La Union Police, naaresto si Dayan kaninang 11:30 ng umaga sa Sitio Turod, Brgy. San Felipe sa San Juan ng mga elemento ng CIDG La Union, PPO Pangasinan at Bacnotan Police Station.
Ipinag-utos ang pag-aaresto kay Dayan matapos hindi sumipot sa imbestigasyon ng Kamara ukol sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilbid Prison.
Noong nakaraang linggo ay nag-alok ang Volunteers Against Crime and Corruption ng isang milyong pisong pabuya sa makakahuli sa Dayan.
READ NEXT
Kapatid ng nagpakamatay na ERC official, nanawagan sa mga empleyado ng pamahalaan na magkaisa kontra katiwalian sa gobyerno
MOST READ
LATEST STORIES