Pagpapatupad ng 3-digit number coding scheme sa Kapaskuhan, inirekomenda sa DOTr

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Inirekumenda ni House Minority Leader Danilo Suarez sa Department of Transportation na gawing 3-digit ang number coding scheme sa kapaskuhan para maibsan ang problema sa matinding trapik lalo na sa Metro Manila.

Pero agad nilinaw ni Suarez na ang kanyang rekumendasyon ay para lamang sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon sa kongresista, pwedeng ipatupad ng DOTr ang panibagong 3-digit coding scheme mula Lunes hanggang Biyernes, habang ang kasalukuyan na 2-digit scheme naman ay tuwing Sabado at Linggo.

Hinimok din nito ang ahensya na maglabas na ng prescribed schedule ng mga ipagbabawal na behikulo bawat araw bago pa pumasok ang Disyembre.

Ang 3-digit number coding ay dapat aniyang maipatupad hanggang matapos ang pagdiriwang ng Three Kings day.

Read more...