Ayon kay Pimentel, kaduda-duda na sa loob lamang ng isang linggo ay dalawang opisyal ng revenue collection agencies ang napaslang.
Hinala ng senador, ang pagpatay kina Customs Deputy Commissioner Arturo Lachica at BIR Regional Director Jonas Amora ay may kinalaman sa mga katiwalian sa dalawang kawanihan.
Binanggit nito na kapwa negatibo ang satisfction rating ng Customs at BIR sa 2016 SWS survey of Enterprises on Corruption.
Dagdag pa ni Pimentel, hindi dapat isantabi ang posibilidad na pinatay ang dalawang opisyal dahil sa kampaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra korupsiyon sa gobyerno kung kaya’t aniya nararapat lang na agad mabigyan ng hustisya ang mga ito.