Nasabat sa mga ito ang 62.3 gramo ng shabu na nagkakahalagang 225,255 pesos, tatlong kotse at isang motorsiklo.
Ayon kay Senior Superintendent Antonio Yarra, direktor ng pulisya ng Quezon, ang naaresto na nakilalang si Sahjid Alcala ay isang high-value target na nasa drug watch list ng pulisya.
Nahuli si Sahjid matapos magbenta ng shabu sa isang undercover na pulis sa Barangay Balubal bandang 1:15 ng umaga ng Martes.
Si Sahjid ay anak ng nakababatang kapatid nina Proceso at Vicente na si Cerilo Alcala.
Ayon pa sa pulisya, ang mag-amang Cerilo at Sahjid ay ang pinaka-maimpluwensyang drug personalities sa Quezon dahil sa koneksyon nito sa pulitika.
Matatandaang idinawit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng pamilya Alcala, isang kilalang political clan sa Quezon, bilang sangkot sa iligal na droga.
Samantala, ilan pa sa mga naaresto ay sina Cerolleriz Alcala na nakababatang kapatid ni Sahjid, mga kasamang sina Joel Jamilla Lambit, Noel Abutin, Dona May Abastillas at Yumeko Angela Tan.