Ayon kay Toursism Secretary Wanda Teo, ngayon pa lamang ay puspusan na ang ginagawa nilang paghahanda at pakikipag-ugnayan sa mga private partners ng ahensya, upang siguruhin na maitatampok sa patimpalak ang mga pinaka-magagandang tourist destination sa bansa.
Ilan sa mga nakatakdang ikutin ng mga kandidata ng Miss Universe 2016 ay ang isla ng Boracay, Cebu, Vigan, Baguio at Davao City.
Gaganapin naman ang coronation night ng prestihiyosong beauty pageant sa Enero 2017 sa Mall of Asia Arena, lungsod ng Pasay.
Ayon pa sa kalihim, akma ang nasabing patimpalak, upang maipagmalaki sa buong mundo ang mga naitatagong ganda ng Pilipinas.