Base sa FDA advisory, kabilang sa mga nakuha nilang sample na natuklasang peke na nagkalat sa merkado ay ang Dolfenal, Tuseran Forte, Diatabs, Alaxan at Neozep.
Kamukhang kamukha ng peke ang tunay na produkto kaya mahirap para sa isang consumer na malaman kung totoo o counterfeit ang gamot.
Kaya payo ng FDA, bumili lamang ng gamot sa mga botikang otorisado ng ahensya.
Hinihimok pa ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na siguraduhing walang counterfeit drugs ang maibebenta sa mga tindahang nasa kanilang hurisdiskyon.
Sinabi ng FDA na peligroso ang pag-inom ng peke o hindi rehistradong gamot dahil posibleng wala itong bisa o makapagpalala pa ng karamdaman.