Walang Pinoy na nasaktan sa lindol sa Japan – DFA

charles-jose-dfaInihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang natatanggap na ulat na may nasaktan na Filipino sa malakas na lindol na yumanig sa Japan ngayong umaga.

Ayon kay DFA spokersperson Charles Jose, sa ngayon ay walang napapaulat na Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Japan.

Pero patuloy aniya nilang imomonitor ang sitwasyon ng mga pinoy sa nasabing bansa.

Batay sa abiso ng Japan Meteorological Agency, nagdulot ng tsunami ang nasabing lindol lubhang naramdaman sa Tokyo.

Naapektuhan din ng lindol ang Fukishima Prefecture kung saan matatagpuan ang Daiichi power plant na una nang tinamaan ng malakas na lindol noong March 2011 at nag-iwan ng maraming nasawi dahil sa tsunami.

Read more...