Maagang nagka-aberya ang biyahe ng MRT-3 ngayong araw.
Sa abiso ng Department of Transportation o DOTr, nakasaad na nagkaroon ng technical problem kaninang 6:12 ng umaga sa pagitan ng Santolan/Annapolis at Cubao stations northbound.
Nabatid na may nasirang riles ng tren sa pagitan ng dalawang istasyon.
Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang biyahe ng MRT sa Cubao hanggang Santolan station.
Bandang 6:20 ng umaga ay nilimitahan naman ang Southbound trips sa Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue stations.
Bumalik ang normal na operasyon ng MRT-3 bandang 6:50 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES