Ayon sa paunang ulat ng Japan Meteorological Agency, ang epicenter ng lindol ay natagpuan sa Tokyo.
May lalim na 10 kilometro ang lindol na tumama bandang alas sais ng umaga, oras sa Japan.
Wala naman napaulat na napinsala o nasugutan dahil sa nasabing pagyanig.
Pero sinabi ng ahensya na posibleng magkaroon ng tsunami na aabot sa 10 feet sa hilagang bahagi ng Japan kabilang na ang Fukushima prefecture.
Dahil dito, ipinag-utos na ang forced evacuation sa mga residenteng naninirahan malapit sa coastal areas at lumipat na sa mas ligtas at mataas na lugar.
Matatagpuan sa Fukushima prefecture ang Daiichi nuclear power plant na nasira noong 2011 dahil sa tsunami kasunod ng malakas na lindol.
Matatandaang hindi bababa sa labing walong libo katao ang nasawi dahil sa naturang lindol noong 2011.
Pero ayon sa Japanese public broadcaster na NHK, wala naman naobserbahan na abnormality sa planta.