Si Blakdyak na Joseph Formoran Amoto sa tunay na buhay ang kumanta ng 90’s novelty songs na “Modelong Charing”, “Noon At Ngayon”, “Asin At Paminta” at “Bikining Itim”.
Nakita ng kaniyang anak na si Kent Formoran ang bangkay ni Blakdyak, na walang saplot at binalot pa ng plastic ang ulo.
Hindi umano nila makontak si Blakdyak kaya naman nagdesisyon si Kent na puntahan ito sa kaniyang tinitirhan, at kinailangan pa niyang dumaan sa bintana makapasok sa loob ng bahay dahil nakalock ang pinto sa harap at likod ng bahay.
Pero ayon sa security guard ng ng condo na si Esteban Rubiado, alas-11:00 ng
Linggo ng gabi, pinababa pa niya si Blakdyak mula sa rooftop ng gusali, at 2:30am na nang Lunes ng makita niya ito na isinara na ang pinto sa kaniyang silid nito, saka pinatay ang ilaw.
Huling nakitang buhay si Blakdyak alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang pumasok ito sa kanyang bahay sa no. 2065 unit 104, Dapitan St. Sampaloc, Manila.
Pinaaalis na rin umano si Blakdyak sa kaniyang tinutuluyan dahil sa mga reklamo ng kaniyang mga kapitbahay, at dapat kahapon na rin ang kaniyang huling araw doon.
Ayon naman sa mga pulisya, hindi nila ikinokunsidera ang foul play sa nangyaring insidente, dahil nakalock ang pinto ng kwarto nito nang matagpuang patay ang komedyante.
Aminado naman ang misis na si Twinkle Formoran, na dati ng gumagamit ng iligal na droga si Blakdyak.
Hindi naman nakitaan ng saksak at tama ng bala sa katawan si Blakdyak, at wala ring nakuhang droga sa pinangyarihan ng krimen.
Gayunman, hindi parin isinasantabi ng pulisya ang anggulo na may nangyaring foul play sa pagkamatay ng naturang komedyante dahil sa nakuhang plastik na nasaklob sa kaniyang ulo.
Matatandaan na noong 2014 ay inaresto si Blakdyak dahil sa kasong malicious mischief, alarm and scandal, at illegal possession of drug paraphernalia sa kanyang apartment sa Cubao.
Pero sa kabila nito, nagawa pang bumangon ni Blakdyak at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.