AMLC, matigas pa rin ang ulo-Aguirre

 

Sec. Vitaliano Aguirre II | Kuha ni Isa Umali
Sec. Vitaliano Aguirre II | Kuha ni Isa Umali

Hindi pa rin nakikisama ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kabila ng mga banta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kasabay ng pahayag na patuloy na umaani ng batikos mula sa pangulo ang naturang ahensya dahil sa kabiguan nitong tuparin ang kanilang mandato.

Paliwanag ni Aguirre, bagamat nagsumite na ng mga dokumento sa DOJ ang AMLC matapos mabatikos ni Pangulong Duterte, hindi pa rin ito kumpleto.

Tanging ang ibinigay aniya sa kanila ng ahensya ay ang mga bank records ng mga heneral na idinawit ni Pangulong Duterte sa iligal na droga.

Humiling na rin aniya noon pang Setyembre 2015 ang NBI ng mga  records ng mga transaksyon sa New Bilibid Prison ngunit hindi pa rin ito nakukumpleto ng AMLC.

Dahil aniya dito, mistula umanong maitururing na ‘criminal negligence’ ang pagkabigo ng ahensya na gawin ang tungkulin nito.

Ang AMLC ay naatasan sa ilalim ng Republic Act 9160 or the Anti-Money Laundering act of 2001 na siguruhing mananatiling confidential ang mga bank records at tiyaking hindi magagamit ang PIlpinas bilang money laundering site ng mga criminal.

Read more...