Ronnie Dayan, posibleng malapit nang lumutang-Sueno

 

Mismong si Interior Secretary Mike Sueno ang nagpahiwatig ng posibilidad na malapit nang lumantad ang dating driver at bodyguard ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Matatandaang si Dayan ay isa sa mga isinasangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Sueno, hindi naman mahalaga kung ngayon o sa susunod na linggo lalabas si Dayan, ang mahalaga aniya ay lumantad na rin ito.

Bagaman nagpahiwatig, tumanggi naman si Sueno na magbigay ng iba pang detalye tungkol dito.

Aniya, hindi pa niya masabi kung kailan talaga lalabas si Dayan dahil may mga hakbang pa silang ginagawa.

Nang tanungin siya kung kailan ang tamang panahon para lumantad si Dayan, sinabi lang niya na darating rin ang tamang panahon para dito.

Sa kabila naman ng ganitong pahiwatig ni Sueno, itinanggi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na nasa kustodiya na ng pamahalaan si Dayan.

Read more...