Mega drug rehab center sa Nueva Ecija, bubuksan na

san juan addictsNakatakdang buksan na sa susunod na linggo ang isang bahagi ng mega drug rehab center na itinayo sa loob ng Fort Magsaysay, sa Laur, Nueva Ecija.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naturang pasilidad ay may kakayahang mag-accommodate ng nasa 10,000 mga drug dependents kung tuluyang matatapos.

Sa inisyal na pagbubukas ng unang bahagi o ‘first phase’ nito sa November 29, nasa 2,500 pasyente ang maari nilang tanggapin upang sumalang sa rehabilitasyon.

Paliwanag ni DILG Undersecretary John Castriciones, unang bahagi pa lamang ito ng hangarin ng Duterte administration na matulungan ang mga nalulong sa droga na mailigtas ang sarili sa epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Plano aniya ng Duterte administration na magtayo ng tig-dalawang rehabilitation centers sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Noong nakaraang buwan, nagkaroon ng ‘soft opening’ ang naturang pasilidad kung saan sumalang sa ‘dry run’ ang mga kawani nito sa pangangasiwa ng mega drug rehab facility.

Ang DILG ang mangunguna sa government interagency task force na magtataguyod ng mga drug abuse treatment and rehabilitation centers sa buong bansa.

Read more...