De Lima sa pagdawit sa kanya sa Abu Sayyaf: Kabaliwan!

 

Panibagong paninira sa kanya ayon kay Senador Leila de Lima ang pagdawit sa kanya sa Abu Sayyaf Group.

Giit nito, kabaliwan na isabit siya sa pagpapalaya ng tatlong miyembro ng teroristang grupo na sangkot sa kidnap for ransom.

May alegasyon na protektor at financier si De Lima ng grupong Abu Sayyaf.

Magugunita na bukod kay de Lima inireklamo din sa Ombudsman sina dating Sulu Governor Abdusakur Tan, Atty Mehol Sadain, Atty. Wendell Sotto at Ediwasif Baddiri.

Sila ay inireklamo nina Cocoy Tulawie at Abner Salahi ng paglabag sa RA 10168 o The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Read more...