Army officer patay, dalawa pa sugatan sa pananambang sa Zamboanga Del Sur

 

Isang opisyal ng militar ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan makaraang tambangan sa Dinas, Zamboanga Del Sur.

Nakilala ang nasawi na si 2Lt. Joseph Cartajena habang nasugatan naman ang dalawa pang sundalo na kinilala lamamg na sina Cpl. Dagondon at PFC Labiaga na pawang nakatalaga sa Bravo Company ng 53rd Infantry Battalion ng Army.

Nabatid na binabagtas ng isang military truck lulan ang limang sundalo at isang Cafgu ang Purok 4, Brgy. Guinicolalay, Dinas, Zamboanga del Sur nang tambangan ng tinatayang nasa sampung miyembro ng mga armadong grupo.

Pabalik na sana sa kanilang kampo ang mga biktima ng maganap ang pananambang.

Hindi pa naman mabatid kung mayroong nasugatan o nasawi sa panig ng mga rebelde.

Read more...