Mga pari, pwede pa ring magpatawad ng mga nagpapa-abort

 

Pinahaba pa ni Pope Francis “indefinitely” ang ibinigay niyang special permission sa mga pari na patawarin ang mga kababaihang sumailalim sa abortion.

Ibinigay ni Pope Francis ang naturang special permission sa mga pari sa kasagsagan ng Holy Year of Mercy na nagtapos na kamakailan lang sa hudyat ng pagsasara ng Holy Door sa Vatican.

Sa isinulat niyang Apostolic Letter na isinapubliko ng Vatican, sinabi ni Pope Francis na walang kasalanan ang hindi kayang patawarin at linisin ng Diyos mula sa pusong humihingi ng kapatawaran.

Gayunman, binigyang diin pa rin ng Santo Papa na ang abortion ay isa pa ring “grave sin” dahil winawakasan nito ang isang inosenteng buhay.

Simula noong 2015, pinayagan ni Pope Francis ang lahat ng mga rank-and-file na pari na bigyang kapatawaran ang abortion sa kasagsagan lang ng Holy Year na tumagal mula December 8, 2015 hanggang November 20, 2016.

Dati kasi ay pawang mga obispo lamang ang maaring gumawa nito o kaya ay maari siyang magtalaga ng isang pari na eksperto sa ganitong sitwasyon.

Umaasa naman ang Santo Papa na gabayan at suportahan ang mga humihingi ng special reconciliation.

Read more...