Sa advisory ng PAGASA alas 9:12 ng umaga, Orange rainfall warning ang umiiral sa mga lalawigan ng Negros at Guimaras.
Nangangahulugan itong umabot na sa 15mm hanggang 30mm ang naibuhos na tubig ulan sa dalawang lugar sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal sa susunod na tatlong oras.
Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslides sa dalawang nabanggit na lalawigan.
Sa Bicol region, nagpaabiso rin ang PAGASA ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Albay.
Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Legazpi City, Daraga, Guinobatan, Pio Duran, Ligao City, Oas at Sto. Domingo./ Dona Dominguez-Cargullo