Pamilya ni dating Pangulong Marcos at ilang opisyal ng gobyerno, pinaco-contempt sa Korte Suprema

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Naghain ngayon ng petition for contempt of court sa Supreme Court ang grupong tutol sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Base sa 13-pahinang petisyon nina dating Bayan Muna Party list Representative Satur Ocampo, Trinidad Repuno, Bonifacio Ilagan, Maria Carolina Araullo ng Samahan ng mga Ex-Detainees at Aresto o SELDA nakasaad sa petisyon na ang pagsasabwatan ng mga respondent at ang palihim na paglilibing kay Marcos habang hindi pa final and executory ang isyu ay maitutring na contempt of court.

Nakasaad sa petisyon na kung ipag-uutos ng Supreme Court ang agarang pagpapatupad ng desisyon saka pa lamang magiging executory and pasya ng korte.

Ayon pa sa grupo, ang pag-aalis ng Supreme Court ng Status Quo Ante order ay hindi nagbibigay ng karapatan sa mga respondent na agad ilibing sa LNMB si Marcos ng walang finality.

Ang ginawa raw na biglaang paglilibing kay Marcos sa LNMB ay maituturing na panlilinlang sa publiko.

Kabilang sa mga respondent sina Rear Admiral Ernesto Enriquez- AFP deputy chief of staff for reservist and retiree affairs, AFP Chief of Staff Ricardo Visayas, Defense Sec. Delfin Lorenzana at mga kaanak ni dating Pangulong Marcos.

 

 

 

Read more...