Biyahe ng MRT, nagka-aberya

Nakaranas ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit ngayong umaga.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), alas 9:28 ng umaga nang makaranas ng aberya ang tren ng MRT sa bahagi ng Magallanes station northbound kaya pinababa ang mga pasahero.

Agad naman silang napasakay sa kasunod na tren kaya alas 9:30 ng umaga ay balik na muli sa normal ang biyahe.

Tanging technical problem ang binanggit na dahilan ng DOTr kaya kinailangang pababain ang mga pasahero ng isa nilang tren.

 

Read more...