Publiko pinag-iingat ng FDA sa gamot galing China na nakagagaling umano ng pananakit ng tiyan

FDA AdvisoryBinalaan ngayon ng Food and Drugs Administration ang publiko kaugnay sa pag-inom ng gamot na Jinling Bao Ji Pills na nakapasok sa bansa galing China.

Ayon sa FDA, ang naturang tableta ay sinasabing gamot sa iba’t ibang sakit sa tiyan kabilang ang diarrhea at pananakit ng tiyan.

Naglalaman ang Jinling Bao Ji Pills ng Chinese herbs at gawa sa Guangzhou, China at inangkat ng Jin Ling Enterprises sa Chinatown sa Maynila.

Sa advisory ni FDA director general Nela Charade Puno, nakasaad na hindi rehistrado ang naturang gamot

Delikado umano sa kalusugan ang pag-inom ng mga gamot na hindi dumaan sa pagsusuri ng FDA.

Ipinag-utos na rin ng FDA ang pagkumpiska sa naturang gamot kapag namataan ng kanilang mga field personnel.

 

 

 

 

Read more...