Argentina, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

San Juan, Argentina
San Juan, Argentina

Niyanig ng Magnitude 6.4 na lindol ang San Juan, Argentina.

Sa ulat ng US Geological Survey, unang naitala ang pagyanig na magnitude 6.7 pero ibinaba ito sa 6.4 kalaunan.

Bagaman malakas ang pagyanig, hindi naman inaasahang makapagdudulot ito ng matinding pinsala dahil ang lalim ng lindol ay 115.71 kilometers.

Noon lamang nakaraang linggo, November 13, niyanig din ng magnitude 6.2 na lindol ang northwestern Argentina.

 

 

Read more...