Direktor ng BIR-Makati, patay sa pananambang sa QC

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Pinagbabaril ang sasakyan ng direktor ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Makati sa bahagi ng Major Dizon, kanto ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Kuha ni Jun Corona

Papakanan sana ng Katipunan Avenue galing Major Dizon Street, ang kulay puti na Toyota Innova na may plate number na EBZ 502 na sinasakyan ni BIR Revenue 8 (Makati City) Director Jonas Amora at kasamahan niyang si Angelito Pineda nang ito ay tambangan ng riding-in-tandem kaninang umaga.

Agad nasawi si Amora na halatang tinarget ng pananambang dahil sa kanang bahagi ng sasakyan, kung saan nakaupo ang opisyal ay umabot sa labingisa ang nakitang tama ng bala ng baril.

Sugatan naman si Pineda na ginagamot ngayon sa Quirino Memorial Medical Hospital na ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan ng insidente.

Bundle-bundle na pera naman at mga mahahalagang dokumento ang nakita ng mga tauhan ng SOCO sa loob ng sasakyan.

Mayroon namang CCTV sa lugar na nakatakdang pag-aralan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

 

Read more...