Dating konsehal sa Oriental Mindoro, patay sa pamamaril

 

Patay sa pananambang ng dalawang suspek na riding-in-tandem ang isang dating konsehal ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) police public information officer Supt. Imelda Tolentino, minamaneho ni Wilson Adra Viray ang kaniyag sasakyan habang pauwi nang bigla siyang atakihin ng mga suspek sa Sitio 5, Brgy. Sampaguita noong Sabado ng hapon.

Nagtamo ng 13 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Viray na kaniyang ikinasawi.

Mapalad namang hindi nasaktan ang kaniyang kasamang pasahero na si Ellie Capacao Gomer na isang magsasaka sa Brgy. Paitan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala at dalawang slugs mula sa isang cal. .45 na baril.

Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya, at iniimbestigahan na rin nila ang posibleng motibo ng pamamaril sa dating konsehal.

Read more...