Bahagi ng Glorietta 3, nasunog

Mula sa Twitter account ni Jessica Siy
Mula sa Twitter account ni Jessica Siy

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Glorietta 3, sa Makati City.

Pasado alas-otso ng gabi nang itaas ang sunog sa unang alarma.

Sa posts ng netizens sa social media, partikular na sa nasusunog ang Gold’s Gym.

Kuha ni Jay Dones

Dahil sa sunog, naglabasan ang mga tao na nasa loob ng mall.

Iniimbestigahan na ang pinagmulan ng sunog.

Pero ayon sa ilang saksi, nakarinig sila ng malakas na tunog na parang pagsabog.

Read more...