Peace talks, hindi madidiskaril dahil sa Marcos burial

 

Inquirer file photo

Bagaman hindi dapat palalampasin, hindi rin naman ikadidiskaril ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang patago at biglaang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Ayon kay NDFP chief negotiator Fidel Agcaoili, mananatili naman ang maayos na relasyon sa pagitan nilang mga komunista at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kontrobersyal na Marcos burial.

Magpapatuloy pa rin aniya ang kanilang mga negosasyon sa pamahalaan alinsunod sa kanilang mga itinakdang petsa.

Gayunman, sinabi ni Agcaoili na masinsin rin na minamatyagan ngayon ng NDFP ang pamahalaan.

Sa ngayon aniya ay masyado pang maaga para sabihin ng NDFP na makakaapekto sa kanilang negosasyon ang paglilibing kay Marcos sa LNMB.

Read more...