P1 million reward, ibibigay sa tipster ng BOC Deputy Comm Lachica killing – DOF

 

Inanunsyo ng Department of Finance o DOF na mayroong isang milyong pisong reward money para sa makapagtuturo sa taong nasa likod ng pagpatay kay Bureau of Customs deputy commissioner Arturo Lachica.

Sa isang statement, sinabi ng DOF na isang hindi pinangalanang pribadong indibidwal ang nag-alok ng one million peso reward.

Sa makapagbibigay ng mahalagang impormasyon ukol sa kaso, maaaring kontakin si head executive assistant Marc Gregory Crisostomo o technical assistant Alddon Christner Ang sa mga numerong 5239215 at 5239219.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District, si Lachica na nasa loob ng kotse ay pinagbabaril noong Huwebes ng gabi (November 17), sa bahagi ng España Boulevard.

Isinugod pa si Lachica sa United Doctors Medical Center subalit idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy na sinisiyat ang kaso, at inaalam kung may kinalaman sa trabaho sa BOC ang pamamaril kay Lachica.

Read more...