Bohol, niyanig ng Magnitude 4 na lindol

 

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Bohol dakong alas onse-kwarenta nang umaga.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang intensity 4 sa bahagi ng Antequera at Tagbilaran City habang intensity 3 naman sa bayan ng Loboc.

Intensity 2 naman ang lakas ng pagyanig sa parte ng Dauis at Loay.

Tectonic ang naging sanhi ng nangyaring lindol.

Sa ngayon, walang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershock mula sa naturang lindol.

 

Read more...