Bago matapos ang dalawang linggong palugit, hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Filipino worker na iligal na naninirahan sa Qatar na bumalik na ng bansa.
Hangga’t maaari, sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na huwag nang sundin ng mga ‘undocumented’ Filipino worker ang ibinigay na palugit mula September 1 hanggang December 1 ngayong taon.
Paliwanag ni Bello, ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon sa mga idineklarang illegal foreigners sa Qatar.
Kailangan din aniyang dumaan sa tamang exit procedures ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagkonek sa search and follow up department ng Qatar sa loob amnesty period.
Sakop ng amnesty ang lahat ng foreigner na lumabag sa Law No. 4 noong 2009 kung saan nakapaloob ang entry, exit, residence at sponsorship ng illegal foreigners.
Ito ang kauna-unahang amnesty program na ipinatupad ng gobyerno ng Qatar sa loob ng labing dalawang taon.