Inimbitahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping na dumalaw sa Pilipinas.
Naganap ang imbitasyon sa bilateral talks ni Duterte kay Xi sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting sa Lima, Peru.
Sinabi ni Duterte kay Xi na ikinalulugod niya ang inaasahang pagbisita ng Chinese President sa Pilipinas.
Mangyayari ang state visit ni Xi sa Pilipinas sa ‘mutually agreed date.’
Matatandaan na nauna nang nagkaroon ng 4-day state visit si Duterte sa China noong Oktubre, kung saan natalakay ang bilateral relations ng dalawang bansa, maging ang usapin sa South China Sea o West Philippine Sea.
Makaraan ang pagbisita ni Duterte sa China, muling nakabalik ang mga Pilipinong mangingisda sa Scraborough Shoal sa Zambales.
Maalala na sa ilang taon ay itinataboy ang mga mangingisdang Pinoy ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard.
Nangako rin ang China ng financial assistance sa Pilipinas.