Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Oscar Albayalde, nagbigay na siya ng direktiba limang police districts na magpatupad ng maximum tolerance sa mga protestang isasagawa.
Dagdag ni Albayalde, sa ilalim ng Batas Pambansa 880 o ang Public Assembly Act, kung saan kailangan na magtalaga ang mga mayor ng mga public spaces kung saan maaring makapagprotesta ng malaya ang mga tao.
Giit pa ni Albayalde, kung walang itatalaga ang mga mayor ay ikinukunsiderang freedom parks ang buong bahagi ng mga lungsod.
Sinabi pa ni Albayalde na ang EDSA Shrine ay pagmamay-ari ng Simbahang Katoliko na kung saan ipinagbabawal ang lahat ng uri ng protesta sa lugar.
Kaugnay nito ang EDSA Monument sa Quezon City kung saan nagtipun-tipon ang mga anti-Marcos kasunod ng pagkakalibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay hindi isang freedom park ayon kay Albayalde.