Ayon kay Doyo daan-daan ang alam niyang mga literary works patungkol sa Martial Law.
Kaugnay ito ng alegasyon ni Duterte noong Biyernes kung saan kanyang sinabi na walang pag-aaral o pelikula ang tungkol sa batas militar at pawang mga alegasyon lang mula sa kabilang panig na kung saan hindi sapat.
Sinabi ni Doyo, na isang ring social activist na regular na nagsusulat para sa Philippine Daily Inquirer na meron siyang listahan na aabot sa mahigit 200 libro na kanyang maaring ilagay sa isang website dahil napakarami ang naisulat tungkol sa kalupitan at paniniil ng diktaduryang Marcos.
Dagdag pa ni Doyo na bakit masasabi ng pangulo na walang pelikula patungkol sa batas militar.
Ilan sa kanyang inihalimbawa ay ang mga plekulang ‘Kapit sa Patalim,’ ‘Sister Stella L,’ at ‘Dekada 70’.