Ayon kay Pimentel na kung si Espinosa ang mastermind at ulo ng organisasyon ay ito ang maituturing na pinaka-guilty.
Dagdag pa ni Pimentel na kung nagbebenepisyo siya mula dito ay siya ang “most guilty” at dapat na ikulong.
Igiinit pa ni Pimentel, na hindi matatakasan ni Espinosa ang prosekyusiyon sa ilalim ng batas maliban na lang magpapangalan siya ng “bigger fish” maliban sa kanya.
Sang-ayon naman si Escudero kay Pimentel na paano maikukunsidera na state witness si Espinosa kung ito ang ulo ng mismong sindikato.
Inaasahan naman si Espinosa na dadalo ito sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pagkamay ng kanyang ama na si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr, na sinasabing napatay matapos manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng search operation sa kanyang kukungan sa Baybay City.