World leaders, nagdatingan na sa Peru para sa APEC Summit

peruNagdatingan na ang mga lider ng Asia-Pacific economies sa Lima, Peru para sa 24th Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders (APEC) Meeting.

Dumating noong Biyernes sina Pangulong Rodrigo Duterte, US President Barack Obama, Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, Prime Minister Justin Trudeau ng Canada, President Enrique Peña Nieto ng Mexico, President Xi Jinping ng China, Prime Minister Najib Razak ng Malaysia, Prime Minister Malcolm Turnbull ng Australia, Prime Minister Shinzo Abe ng Japan, Prime Minister John Key ng New Zealand, Prime Minister Peter O’Neill ng Papua New Guinea, President Michelle Bachelet ng Chile, President Tran Dai Quang ng Vietnam, Prime Minister Lee Hsien Loong ng Singapore at  Chief Executive Leung Chun-ying ng Hongkong.

Hindi naman inaasahan na makakadalo sa naturang summit sina President Joko Widodo ng Indonesia, Prime Minister Prayuth Chan-o-cha ng Thailand dahil sa nagluluksa pa din ang bansa nito dahil sa pagkamatay ni King Bhumibol Adulyadej at si President Park Geun-hye ng South Korea dahil sa kinakaharap ng political crisis sa kanyang bansa.

Ang nasabing tatlong world leaders ay kakatawanin ng kanilang mga deputies.

Kaugnay nito, dahil tradisyunal ng hindi dumadalo ang head of state ng Taiwan sa APEC leaders meeting dahil sa presensya ng China ay  kakatawanin si President Tsai Ing-wen ng kanyang special envoy na si James Soong.

Ang magsisilbing host ng pagsasama-sama ng 21 member-economies ay si President Pedro Pablo Kuczynski ng Peru na unang beses na makakadalo sa kanyang unang t APEC leaders’ meeting.

 

 

 

Read more...