Communion ban para sa mga diborsiyado, payag si Pope Francis na alisin na

Aug 6 pope inq file
File / AP photo

Payag si Pope Francis na alisin ang ang communion ban para sa mga Katolikong diborsyado at mga muling nag-asawa na bilang bahagi ng pagsasa-ayos sa ilang panuntunan ng Catholic Church.

Binalaan din ng Santo Papa ang mga lider-simbahan na huwag itrato bilang mga ex-communicado ang mga Katolikong nag-asawa nang muli makaraang sumailalim sa divorce.

Ang nasabing isyu ay bahagi ng mga tinatalakay ngayon sa Vatican na ilang family issues na nakaka-apekto sa buhay ng mga Katoliko.

Sinabi rin ni Pope Francis na dapat ay lawakan ang pang-unawa sa mga nagkaroon ng pagkakamali sa kanilang unang kasal lalo na sa mga anak ng mga suma-ilalim sa proseso ng paghihiwalay.

Sa sakramento ng Simbahang Katolika ay tanging yung mga balo lamang at yung dumaan sa annulment ang siyang pinapayagang muling makasal sa iba.

Ayon sa Papa, maaring sumalungat sa mga matatandang kautusan ng simbahan ang ilang bagong alituntunin ng Simbahang Katolika pero ayon kay Pope Francis, mas binibigyan ngayon ng timbang ang salvation o kaligtasan ng buhay ispiritual ng isang indibiduwal./ Den Macaranas

Read more...