Ilang Marcos supporters dismayado sa sikretong libing sa dating pangulo

Marcos waxGabi ng Huwebes, Nobyembre 17 nang dalhin ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa bahay ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Laoag City.

Sinabi ng source ng Radyo Inquirer na doon inihanda ang mga labi ng dating pangulo bago ito dinala alas-nuwebe ng umaga kahapon sa Libingan ng mga Bayani para doon ihimlay.

Ipinaliwanag rin ng source na Miyerkules pa lamang ay sinabihan na ang mga Marcos’ supporters na maghanda kaugnay sa gagawing paglilibing sa mga labi ng dating pangulo.

Ilang mga bus na rin ang kanilang inarkila para sa nasabing event pero hindi sila sinabihan ng eksaktong petsa ng libing.

Kahapon, araw ng Biyernes ay nabigla ang mga Marcos loyalists nang marinig nila ang balita kaugnay sa hero’s burial para sa dating strongman.

May ilan ang kaagad na nagpunta sa cenotaph ng dating lider sa Batac, Ilocos Norte kung saan matatagpuan ang glass-encased coffin ni Marcos na naglalaman ng kanyang mga labi.

Sinabi ng ilang mga nakasaksi na sila ay nagulat nang makita nila ang sinasabing mga labi ng dating lider sa loob ng musoleo habang iniuulat naman sa mga balita na kasalukuyang inililibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.

Pasado alas-dyes ng umaga kahapon ay tuluyan nang pinagbawalan ang publiko na pumasok sa compound ng pamilya Marcos sa bayan ng Batac.

Read more...