Ambush sa BOC official may kinalaman sa trabaho ayon sa PNP

arturo lachicaMaaaring may kaugnayan sa trabaho ang ambush killing kay Bureau of Customs Deputy Commissioner Arturo Lachica noong nakaraang Huwebes, November 17.

Ayon kay Police Officer 3 Marlon San Pedro ng Manila Police District Homicide Section, posibleng may kinalaman ang posisyon ni Lachica bilang pinuno ng BOC Internal Administration Group sa ginawang pagpatay dito.

Napatay ang opisyal sa loob ng kaniyang itim na Toyota Altis na may plakang ABE-1106 matapos barilin ng isang lalaki sa bahagi ng España Avenue at Kundiman Street at nagtamo ng ilang tama ng baril sa dibdib at kamay.

Paliwanag ni Bustamante, hindi malabong alam na alam ng suspek ang target nito nang deretso itong pumunta sa isang motorsiklo at mabilis na humarurot patungong loyola street matapos gawin ang pamamaril.

Sa impormasyon ng bodyguard at driver ng opisyal na si Ramon Fernandez at Romulo De Lima, nakasuot ng jacket at helmet ang suspek nang mangyari ang insidente.

Agad na bumuo ang MPD ng Special Investigation Task Group na pamumunuan ni MPD Deputy Director for Operations Senior Superintendent Bartolome Bustamante upang imbestigahan ang pagkakamatay ni Lachica.

Narekober naman ang apat na basyo ng kalibre kwarenta y singko na baril sa crime scene.

Read more...