Ito ang sinabi ni dating Pangulong Benigno Aquino III matapos ang kontrobersyal na biglaang Marcos burial kahapon.
Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Abigail Valte, naniniwala si Aquino na sa mga ganitong sitwasyon, marapat lang na pakinggan ang mga opinyon at kwento mula sa iba’t ibang panig tungkol sa isyu.
Hindi rin aniya nakatakdang dumalo si Aquino sa anumang kilos protesta kaugnay sa Marcos burial kahapon.
Huling nakita si Aquino sa isang prayer rally noong November 6 para sa mga Supreme Court justices na boboto para sa petisyon laban na pumipigil sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahintulutan ang Marcos burial.
Magugunita na si dating Pangulong Marcos at ang asawa niyang si Imelda ang pinaniniwalaang mastermind sa pagpatay sa ama ni Aquino na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong August 21, 1983.