Nilinaw ni Supreme Court spokesperson Theodore Te na naalis na rin ang status quo ante order nang maglabas sila ng desisyon noong November 8 na nagpapahintulot sa Marcos burial.
Ayon kay Te, “in between sessions” ang Supreme Court at tanging si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang maaaring maglabas ng temporary restraining order para mapigilan sana ang paglilibing kay Marcos.
Ngunit magagawa lang aniya ito ni Sereno kung mayroong request at written recommendation mula sa nagsulat ng desisyon na si Associate Justice Diosdado Peralta.
Ayon pa kay Te, wala pa namang inihahaing motion for reconsideration ang mga petitioners na kontra sa Marcos burial, dahil hindi pa umano natatanggap ng mga ito ang kopya ng desisyon.
Napagtibay kasi sa nasabing desisyon na hindi nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ni Pangulong Rodrigo Duterte nang payagan niya ang paglilibing dahil si Marcos naman ay dating sundalo at pangulo.