Mga nag-protesta laban sa Marcos burial, nananatili pa rin sa EDSA

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Tinatayang nasa 600 na katao ang nanatili sa Peoples Power Monument sa north bound lane ng EDSA para kondenahin ang pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Sr. Supt. Crizaldo Nieves, nag-uwian na ang iba na nagpunta sa PPM lalo na at bumuhos ang ulan.

Sakabila naman na walang permit na magrally sa PPM, hindi naman sila papaalisin sa lugar, basta’t hindi umano nakakaabala sa iba lalo na sa mga motorista.

Tiniyak pa ni S/Supt. Nieves na ipapatupad nila ang maximum tolerance, ganun pa man nasa 500 pulis umano ang pinakalat nila sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga nagkikilosprotesta at masigurado na nasa ayos ang lahat.

Ilang grupo naman ang namimigay ng libreng burger at tubig para sa mga nanatili sa lugar.

Karamihan naman sa mga dumalo sa kilos protesta ay mga estudyanye ng ilang pamantasan sa bansa.

Read more...