Motion to exhume, ihahain sa Korte Suprema para maipahukay ang mga labi ng dating Pangulong Marcos

Photo Courtesy of Phil Army
Photo Courtesy of Phil Army

Ipahuhukay muli ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sakaling mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema na maihimlay siya sa Libingan ng mga Bayani.

Photo Courtesy of Phil Army

Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa mga petitioner kontra sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB, pre-mature ang hakbang na ng pamilyang Marcos na magkaroon ng secret Marcos burial.

Dahil dito, maghahain ng “motion to exhume” sa Korte Suprema si Lagman para ipahukay ang bangkay ni Marcos.

Bukod sa nasabing mosyon ay maghahain din si Lagman ng contempt of court laban sa mga nangasiwa ng paglilibing tulad ng Armed Forces of the Philippines, Executive Secretary, AFP Chief of Staff at iba pa.

Paliwanag ni Lagman, hindi final at executory ang SC ruling at may hanggang November 28 na binigay ang Korte Suprema para sa mga maghahain ng motion for reconsideration upang baligtarin ang naunang desisyon ng korte.

Photo Courtesy of Phil Army

Hindi man lamang daw nakapaghintay ang mga Marcos sa pinal na pasya ng Mataas na Hukuman.

Dahil naman sa nakakabulagang paglilibing ngayong araw sa dating diktador na Pangulo ay magiging malala ang galit ng mga anti-Marcos at mga biktima ng martial law.

Malinaw aniya na ang nakakabulabog na ginawa na ito ng mga Marcos ay patunay ng patuloy na paglilinlang sa publiko at paglabag sa batas.

Ayon naman kay Akbayan PL Rep. Tom Villarin, ang pahayag ng Malakanyang na hindi nila alam na ngayong araw ililibing si Marcos sa LNMB ay ‘pure hogwash.’

Paalala ni Villarin, mismong si Presidente Duterte ang nag-utos na mailibing na si Marcos sa LNMB, sa kabila ng mga pagkontra ng iba’t ibang grupo lalo na ng mga biktima ng Martial Law.

Para naman kay ACT PL Rep. Antonio Tinio, isang mabigat na kasalanan ni Pangulong Duterte sa sambayanang Pilipino ang pagpapahintulot niya sa naturang libing.

Halata aniyang minadali ng pamilya Marcos ang libing upang makaiwas sa dumarami at lumalaking mga protesta.

 

Read more...