Sa official statement ng pamilya Marcos na binasan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, sinabi niyang natupad ngayong araw na ito ang huling habilin ng kanilang ama na maihimlay kasama ng kanyang mga kapwa sundalo.
Kasabay nito, nagpasalamat ang pamilya Marcos sa lahat ng sumuporta sa karapatan ng dating pangulo ng maihimlay sa Libingan ng mga Bayani.
Kabilang sa mga pinasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte, ang Korte Suprema na pumabor sa Marcos burial sa LNMB at sa “libu-libong nagmamahal at nagmamalasakit” sa pamilya Marcos na kasama umano nilang nanalangin ng halos tatlong dekada.
Humingi rin ng paumahin ang pamilya sa pasya nilang gawing simple lang, pribado at taimtim ang paglilibing sa dating pangulo.
Layon umano nitong hindi na masaktan pa ang mga “nagdaramdam” o ang mga hanggang sa ngayon ay tutol pa rin sa proseso.
WATCH: Ang pahayag ng pamilya Marcos | @chonayu1 pic.twitter.com/ya2TbKXFrU
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 18, 2016