22-anyos solong nagprotesta sa LNMB; noise barrage isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila

Kuha ni Tarra Quismundo
Kuha ni Tarra Quismundo

Kahit nag-iisa, hindi nagpasindak ang 22-anyos na si Nicole Aliasas na magtungo sa Libingan ng mga Bayani, suot ang itim na damit para magprotesta matapos mabalitaan ang paglilibing sa dating pangulo.

Si Aliasas ay marketing associate na nagtatrabaho sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ayon kay Aliasas, una siyang nakatangga ng text message na nag-aanyaya ng noise barrage sa Timog, pero nang malaman niyang ngayon na mangyayari ang paglilibing, nagpasya siyang dumeretso ng LNMB kaysa magpunta pa sa QC.

At kahit marami nang Marcos supporters nang dumating siya sa LNMB, taas-kamaong nagprotesta ng mag-sa si Aliasas.

 

Samantala, ilang oras matapos pumutok ang balitang Marcos burial, nagsagawa na ng magkakahiwalay na noise barrage sa magkakaibang lugar sa Metro Manila.

Sa Philcoa sa Quezon City, nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Gabriela.

Pawang nakaitim ang mga babaeng nagsagawa ng protesta, bitbit ang mga placards na may nakasulat na “No Hero No Honors!”.

Lumabas naman ng classroom ang mga estudyante ng St. Scholastica sa Leon Guinto Maynila para magprotesta.

Sigaw ng mga mag-aaral, hindi bayani si Marcos kaya hindi ito dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

May ikinakasa na ring protesta na isasagawa sa Mendiola Maynila ng grupong Bayan at sa People Power Monument sa EDSA.

 

 

Read more...