Dating Pangulong Marcos ililibing na ngayon sa Libingan ng mga Bayani

Ililibing na ngayong tanghalFerdinand-Marcos-0922i sa Libingan ng mga Bayani si Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director General Oscar Albayalde, magaganap ang paglilibing alas 12:00 ngayong tanghali.

Ginawa ni Albayalde ang anunsyo ilang minuto bago mag alas onse ngayong umaga.

Ani Albayalde isinakay ng chopper ang mga labi ng dating pangulo at umalis sa Ilocos pasado alas 9:00 ng umaga at diretsong lalapag sa LNMB ang chopper.

Mula kagabi may mga napansin nang limang truck na puno ng sundalo na itinalaga sa LNMB.

May mga truck din ng bumbero na nakapark sa magkakaibang entrance ng libingan.

Nilinaw naman ni Albayalde na simpleng libing lang ang magaganap at walang mangyayaring state funeral.

 

 

Read more...