Malalaman na ngayong araw ang walong pelikula na opisyal na makakapasok sa 42nd Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Sa official facebook page ng MMFF, nakasaad na anomang oras ngayong araw iaanunsyo ang walong pelikula na napili ng selection committee.
Una nang sinabi ni MTRCB Chair Toto Villareal na bahagi ng screening committee na kabilang sa mga pinagbatayang criteria sa pagpili ng walong entries ang Cinematic attributes and technical excellence – 40%, story telling – 40%, Filipino values – 10% at universal appeal – 10%.
Matapos maianunsyo ang walong pelikula na makapapasok sa film fest, ilulunsad naman ng MMFF ang omnibus trailer ng mga ito para sa patas na promosyon.
Kabilang din sa mga pagbabago na ipatutupad ngayong taon ay tatapusin muna ang festival bago gawin ang awards night.
Taun-taon kasi, tila nabibigyan ng promosyon ang mga pelikulang nananalo ng awards at mas ito ang tinatangkilik ng manonood.
Narito ang mga pelikula na isinumite sa screening committee ng MMFF:
Across The Crescent Moon (Gold Barn International)
Ang Babae sa Septic Tank Part 2: Forever is not Enough
Die Beautiful
Enteng Kabisote 10 and the Abangers
Extra Service
Higanti
Kabisera
Kita Kita
Lady Fish
Mang Kepweng Returns
Mano Po 7: Chinoy
Moonlight Over Baler
Super Parental Guardians
Pastor
Pusit
Saving Sally
Seklusyon
Sunday Beauty Queen
Swipe
Talong Bibe
Tokhang