DFA Sec. Yasay, nakipagpulong kay US Sec. of State John Kerry sa Peru

RTVM Photo
RTVM Photo

Nagkaroon ng pagkakataon na magkapulong ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. si US Secretary of State John Kerry sa Lima, Peru.

Sa nasabing pulong, binanggit ni Yasay kay Kerry ang katiyakan mula kay Pangulong Duterte na magpapatuloy ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pero ani Yasay, sa halip na military exercises ay ang joint copperation sa pagsugpo sa droga, korapsyon, disaster mitigation at rapid disaster response ang magiging sentro ng kasunduan.

Si Kerry ang humiling ng nasabing pulong kay Yasay sa sidelines ng APEC summit.

Samantala, mamayang tanghali oras sa PIlipinas ang inaasahang dating ni Pangulong Duterte sa Lima, Peru.

Tatlong bilateral meetings ang nakahanay kay Duterte kabilang sina Russian President Vladimir Putin, China President Xi Jinping at Peruvian President Pedro Pablo Kuczynski.

May iba pang bansa na humiling din na magkaroon ng pulong kay Duterte pero kailangan pang malaman ayon kay Yasay kung kaya pa ng schedule ng pangulo.

 

 

 

Read more...